Ikaw ang Dagat Ko

Malimit ang tawag ng tubig
Balik-balik ang alon
Ang luha ko ay dagat
Sa kalawakan ng papel

Bawat titik ay tulala
Ang hikbi ay bula
Sa kalaliman, kadiliman
Walang piglas
Nalulunod

Ang buhay ko ay anod
Tahimik
Bago ang unos

Akay ka ng daluyong
Ang tayutay na nagkatawang tao
Ang wangis ng lalim, ng dilim
Ang banayad, ang ragasa
Ang pag-ibig, ang tula

Ikaw ang dagat ko

*Para kay Paul

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s