Ang Ginoo sa Pag-iisa: Subok ng Salin ng “Gentleman Alone” ni Pablo Neruda

Silang mga binatilyong bakla at malalaswang mga dalaga,
Silang nagtatabaang mga balo na pawang bangag sa puyat,
Silang mga bagong maybahay na tatlumpung oras nang buntis,
At silang mga pusang naglalandian sa aking hardin tuwing gabi,
Mga nagpipintugang buhay na talaba
Sa palibot ng aking munting tahanan
Salo ay muhi ng aking kaluluwa,
Mga demonyong nakapajama
Na ang palita’y maiinit na mga halik, kunwari’y lihim na mga liham.
Sa tuwing sasapit ang tag-init, iniiwan ng mga nagmamahalan
Ang kanilang matatamlay na rehimyento,
May matataba, mapapayat, maliligaya, at malulungkot na mga pares
Sa ilalim ng naglalakihang mga puno sa tabi ng baybayin at buwan
May enerhiyang kaakibat ang palitan ng pantalon at panty
May huning kasama ang pagtatanggal ng stockings
Pati ang suso ng mga kababaihang tila makikislap na mga mata.
Maging ang padre de familia, matapos ang ilang sandali,
Matapos ang isang linggong pagpasok sa trabaho,
At matapos ang walang kalatuy-latoy na mga nobelang binabasa bago matulog,
Ay tuluyan nang nakipagkantutan sa kaniyang kapitbahay,
At ngayon sila’y naghihipuan sa madilim na sinehan
Kung saan ang bida sa mga pelikula ay kabayo o magigiting na mga prinsipe,
Dahan-dahang hinahaplos ng kaniyang sabik at pasmadong palad
Ang mabibilog at makikinis na mga hita.
Ang gabi ng mangangaso at gabi ng mag-asawa
Ay tila balumbon ng kumot na sa aki’y sumasakal,
Maging ang oras matapos ang tanghalian kung kailan nagbubulyos ang mga pari at estudyante,
At walang pakundangang nagkakangkangan ang mga aso sa daan,
At ang mga bubuyog na amoy dugo at hindi magkandaugaga na mga langaw,
At ang walang palyang paglalaro ng bahay-bahayan ng magpipinsan,
At ang mga doktor na nagnanasa sa mga batang pasyente,
Pati ang bukang liwayway kung kailan sumisiping ang propesor
Sa kaniyang asawa bago mag-almusal,
At kung hindi pa ito sapat ay nariyan pa ang mga taksil na siyang tunay na nagmamahalan
Sa mga kamang sinlaki at sintaas ng mga barko:
Paulit-ulit, walang hanggan
Ako’y unti-unting dinudurog ng baliko at buhay na gubat na ito
Kasama ng kaniyang higanteng mga bulaklak na wari mo’y bunganga at ngipin
Pati kaniyang nangingitim na mga ugat na tila ba kuko at takong.

The young maricones and the horny muchachas,
The big fat widows delirious from insomnia,
The young wives thirty hours’ pregnant,
And the hoarse tomcats that cross my garden at night,
Like a collar of palpitating sexual oysters
Surround my solitary home,
Enemies of my soul,
Conspirators in pajamas
Who exchange deep kisses for passwords.
Radiant summer brings out the lovers
In melancholy regiments,
Fat and thin and happy and sad couples;
Under the elegant coconut palms, near the ocean and moon,
There is a continual life of pants and panties,
A hum from the fondling of silk stockings,
And women’s breasts that glisten like eyes.
The salary man, after a while,
After the week’s tedium, and the novels read in bed at night,
Has decisively fucked his neighbor,
And now takes her to the miserable movies,
Where the heroes are horses or passionate princes,
And he caresses her legs covered with sweet down
With his ardent and sweaty palms that smell like cigarettes.
The night of the hunter and the night of the husband
Come together like bed sheets and bury me,
And the hours after lunch, when the students and priests are masturbating,
And the animals mount each other openly,
And the bees smell of blood, and the flies buzz cholerically,
And cousins play strange games with cousins,
And doctors glower at the husband of the young patient,
And the early morning in which the professor, without a thought,
Pays his conjugal debt and eats breakfast,
And to top it all off, the adulterers, who love each other truly
On beds big and tall as ships:
So, eternally,
This twisted and breathing forest crushes me
With gigantic flowers like mouth and teeth
And black roots like fingernails and shoes.

Salin sa Filipino ng salin ni Mike Topp ng orihinal na akda sa Español ni Pablo Neruda